00:00/00:00
随时随地任意搜索并下载全网无损歌曲
扫描右侧二维码下载歌曲到手机
免费获取更多无损音乐下载链接

文本歌词


Hindi Mo Nadinig - Gloc-9/Jay Durias
Written by:Aristotle C. Pollisco
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
Minahal na kita nang makita kita
Ang pagtingin ko sayo ay higit sa iba
Kinapalan ang mukha niligawan kita
Kahit ako ay alangan sa mata ng iba
Gabi-gabi ang laman ng dasal ay ikaw
Kahit na anong mangyari ako'y di bumitaw
Sa pangarap na sa tuwing merong gabing maginaw
Ang aking kayakap ay walang iba kungdi ikaw
Kaya't ganun na lamang ang aking saya nung ako ay
Nagpaalam ngunit hinawakan mong aking kamay
At sinabi sa'kin sa hangin parang tinangay
Nang minahal mo ako pwede na kong mamatay
Ako'y nagsikap upang maibigay sa'yo ang langit
Karanyaan sa buhay at mamahaling gamit
Kahit minsa'y nagtatalo sayo'y di kayang magalit
Bawat hakbang palayo ako'y patakbong lumalapit
Upang di magka-agwat ay nagpasobra ng sapat
Ang lahat kinasabwat handa kong gawin ang lahat
Nang ang pag-ibig natin sa isa't-isa'y hindi lumabo
Parang tubig sa baso kahit na putik ang ihalo
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
Lagi kang ginagabi ang huli kagabi
Madalis na magising wala ka saking tabi
Pero di naman siguro baka guni-guni ko lamang to
Walang lang to siya'y may pinapabili
Bagong damit bagong alahas mahal basta ikaw
Dagdagan mo pa ng prutas mangga basta hilaw
Sa mumurahing bagoong malalim na sinasawsaw
Kahit tila malansa ang lasa ay ayos lang daw
Ako ay medyo natuwa di kaya sana naman
Na ang sinapupunan ng aking mahal nagkalaman
Ngunit nag-aalangan di ko mapag-alaman
Huling beses na nagtabi parang ang hirap tandaan
Isang araw ay dinugo halos lahat ay isumpa mo
Di ko lubos maisip di ko alam kung pano
Unti-unting nagbago dinuduro mo pa ko
Bulungan sa telepono harap-harapan sa mukha ko
Umuwi ng maaga ingay na tagos sa dingding
Huling-huli sa akto sa'kin binaling ang tingin
Hindi na kita mahal sabay hubad ng yong singsing
Ako'y binalot ng galit at nagdilim ang paningin
Ang buong akala ko ikaw ang siyang nakalaan
Para sa'kin mga dalangin ko'y pinakinggan
Nagkamali ako sa mga pangako mo
Buong akala ko ikaw ang siyang sa akin ay nakalaan
Ako'y bumunot ng baril na dinala kaya pala
Kahit walang dahilan magagamit ko pala
Parang namamagang singaw buong dugong nakabara
Lahat ay gustong isigaw ngunit kumalso ang panga
Pinilingan ang mata tinalian ang kamay
Minartilyo sa paa sige tumakbo kang pilay
Kahit kayo ay mag-ingay sige todo bigay
Di na rin naman pwedeng maging testigo si Inday
Inunahan ko na siya bago pa mangyari to
Wala kayong kamalay-malay kung gano kagrabe to
Lahat ng galit at pait ay di kayang masabi ko
Sa idudulot kong sakit na nakaka-imbalido
Kasing kulay na ng talong ang mga kutis niyo ngayon
Mga dumudugong kuko na may pakong nakabaon
Buhok niyong ginunting ko ay isinilid ko sa bayong
Sisilaban hanggang magbaga na parang Bulkang Mayon
Lumamig na ang luhang galing sayo at tumilig
Sa kalaguyo mo na mayroong kutsilyo sa dibdib
Daliri ko'y nasa gatilyo sabay subo sa bibig
Minahal naman kita bakit hindi mo nadinig

推荐音乐

热门歌手

最新歌单

声明:本站不存储任何音频数据,站内歌曲来自搜索引擎,如有侵犯版权请及时联系我们,我们将在第一时间处理!

自若本站收录的无意侵犯了DJ或DJ所属公司权益,请通过底部联系方式来信告知,我们会及时处理和回复!领酷音乐网

领酷音乐网-免费MP3下载|流行DJ舞曲|抖音热门歌曲|网络热门歌曲|酷狗音乐排行 版权投诉 请联系我们 123456#qq.com